Nilinaw kahapon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na wala sa transmission ang problema sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao kundi dahil sa kulang ang supply ng kuryente sang-ayon na rin sa National Power Corporation (Napocor).
Ayon kay Cynthia Pe rez Alabanza, ang kakulangan sa general supply ang sanhi ng brownout sa Mindanao at hindi dahil sa transmission.
Wika pa ni Alabanza, ang short-term solution sa pangkasalukuyang problema ng supply sa Min danao ay ang paglalabas ng kuryente ng mga power generators o producers bilang baseload supply.
Idinagdag pa ni Alabanza na pwede naman pagkasyahin ang pinagsamang output ng mga po wer producers sa Mindanao para i-supply ang buong pangangailangan nito sa kuryente ngunit mayroong artificial shortage sa kasalukuyan dahil ang ilan sa mga kuryente ay inilalabas ng mga generator o producer bilang ancillary services, na mayroong mas mataas na selling rate, sa halip na i-offer ito bilang generation capacity.
Sa isang meeting kay Energy Secretary Jose Rene Almendras, iniulat ng NGCP ang tunay na power supply situation sa Mindanao, base sa datos mismo ng Napocor ukol sa available energy nomina ted na siyang nagbibigay indikasyon sa supply deficiency.
No comments:
Post a Comment