Tuesday, October 5, 2010

Babuyan islands niyanig ng 5.8 na lindol

MANILA, Philippines - Niyanig ng lindol na may magnitude-5.8 ang  Babuyan Islands sa northern Luzon kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang lindol ay naitala ganap na alas-9:38 ng umaga at  ang lindol ay  tectonic ang  origin.
Ayon sa Phivolcs ang epicenter ng lindol ay naitala sa may 20 kilometro timog kanluran ng Babuyan Islands.
Bunsod nito, naramdaman din ang lindol  na may lakas na  Intensity 4 sa  Calayan Island at Intensity 3 sa  bayan ng Camalaniugan sa lalawigan ng  Cagayan.
Gayunman, wala namang naiulat na nawasak o nasawi sa nasabing lindol.

No comments:

Post a Comment