Tuesday, October 5, 2010

Kapag naging legal ang jueteng, baka sumunod ang prostitusyon - Bishop Cruz


Naniniwala si retired Archbishop Oscar Cruz na sakaling matuloy ang legalisasyon ng jueteng ay magbibigay-daan ito upang maging legal na rin ang iba pang illegal na gawain sa bansa tulad ng aborsiyon, prostitusyon, illegal na droga at iba pa.
Ayon kay Cruz, da ting pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang naturang panukalang gawing legal ang jueteng ay patunay rin aniya ng kawalan ng pamahalaan ng kakayahan na sugpuin ito, gayundin ng kawalan ng moral strength ng gobyernong Aquino.
Aniya, kung gagawing legal ang jueteng dahil hindi masugpo ay baka maging legal na rin sa mga susunod na panahon ang abortion, prostitution at iba pang gawaing illegal.
Nauna rito, muling umi nit ang isyu sa jueteng matapos na ibunyag ng arsobispo na ilang government officials na malapit kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang tumatanggap ng milyun-milyong monthly payola mula sa mga jueteng lords.
Magugunita na nag hain naman ng panukala si Sen. Jinggoy Estrada na gawing legal na lamang ang jueteng.

No comments:

Post a Comment